Mag-amang informer ng militar tinodas ng NPA rebels
January 16, 2002 | 12:00am
Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang mag-amang pinaniniwalaang informer ng pulisya ng mga miyembro ng rebeldeng New Peoples Army (NPA) habang naglalakad papauwi sa Brgy. Lucatan, Tarragona, Davao Oriental kamakalawa.
Tadtad ng tama ng bala ng baril sa ibat ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Arismolo Macusang, Sr., 64 at anak na si Arismolo, Jr., 23, na kapwa mangingisda ng naturang lugar.
Samantala, Tinamaan naman ng ligaw na bala ng baril at malubhang nasugatan ang kaanak na kasama ng mga biktima na si Edgardo Macusang na ngayon ay nasa Davao Oriental Provincial Hospital.
Base sa ulat mula sa Camp Crame, bandang alas-10 ng gabi nang harangin ng mga rebelde ang mga biktima at sunud-sunod na pinaputukan.
May teorya ang pulisya na natunugan ng mga rebelde na ang mag-ama ay asset ng militar at pulisya na nagbibigay ng impormasyon sa isinasagawang operasyon at ikinikilos ng makakaliwang grupo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended