^

Probinsiya

Bangka tumaob: Pari, sakristan nalunod

-
Isang paring Katoliko at sakristan nito ang iniulat na nalunod, samantalang nakaligtas naman sa tiyak na kamatayan ang operator ng bangkang tumaob na sinasakyan ng mga biktima sa karagatan ng Calunayan Point, Isabel, Leyte kamakalawa.

Kinilala ng Phil. Coast Guard ang mga biktimang sina Fr. Tito Patacsil ang sakristang nakilala lamang sa pangalang Noel, samantala, si Francisco Maratas na naisalba ay kasalukuyang ginagamot sa Leyte Provincial Hospital.

Si Maratas na noon ay lulutang-lulubog sa nabanggit na karagatan ay namataan ng mga tripulante ng M/V San Jose na naglalayag patungong Ormoc.

Lumalabas sa ulat mula kay Armand Balilio ng Phil. Coast Guard PIO, bandang ala-1 ng hapon nang salpukin ng dambuhalang alon ang sinasakyang bangkang-de-motor na M/BCA Mary Ann ng mga biktima na naglalayag patungong Merida, Leyte mula sa Pilar, Camotes Island.

Dahil sa lakas ng alon at hangin ay tumaob ang bangka ngunit nakaligtas si Maratas, samantala, pinaghahanap pa ng rescue worker ng Phil. Coast Guard ang dalawa na pinaniniwalaang nalunod sa nabanggit na karagatan. (Ulat ni Ed Amoroso)

ARMAND BALILIO

CALUNAYAN POINT

CAMOTES ISLAND

COAST GUARD

ED AMOROSO

FRANCISCO MARATAS

LEYTE

LEYTE PROVINCIAL HOSPITAL

MARY ANN

SI MARATAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with