Bombay kinidnap na pinatay pa
January 15, 2002 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Pinaniniwalaang hindi nakapagbayad ng hinihinging "ransom money" ang mga pamilya ng dinukot na 19-anyos na Indian national kaya napilitang patayin na lamang ito sa pamamagitan ng pagbaril sa ulo ng grupo ng Kidnap-for-Ransom Gang (KFR) at itinapon ang bangkay nito sa isang creek sa Brgy. Tienzo, San Jose City, Nueva Ecija, kamakalawa.
Sa isinumiteng ulat ng Nueva Ecija Provincial Police Office (NEPPO) sa tanggapan ni Police Regional Office 3 (PRO3) Director P/Chief Supt. Reynaldo Berroya, kinilala ang kidnap victim na si Gurdiph Sukhal, ng Cadhit St. Brgy. Sanchez, San Jose City.
Matapos na dukutin ang biktima noong Enero 9, 2002 ng mga miyembro ng Kidnap-for-Ransom Gang sa Brgy. Sto. Rosario, Sto. Domingo, Nueva Ecija ay natagpuan ni Brgy. Kagawad Arthur Tiqui ang bangkay ng biktima sa isang creek sa nasabing lugar na may isang tama ng bala ng baril sa ulo.
Nabatid pa sa ulat ng Nueva Ecija-PNP, makaraang dukutin ang biktima ay nakatanggap ng sunud-sunod na tawag sa telepono ang mga magulang nito mula sa mga kidnappers at humihingi ng halagang P3-M kapalit ng paglaya ng kanilang anak.
Subalit makalipas ang ilang araw ay nabigong makapagbigay ng nabanggit na halaga ang mga magulang kaya napilitang patayin na lamang ang biktima. (Ulat nina Christian Ryan Sta. Ana at Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest