1 patay, 4 sugatan sa ambush
January 14, 2002 | 12:00am
DASMARIÑAS, Cavite Isang 18-anyos na lalaki ang kumpirmadong nasawi, samantalang apat pang iba ang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang kalalakihang sakay ng tricycle habang ang mga biktima ay naglalakad papauwi sa kahabaan ng Barangay San Luis 1 ng bayang ito kahapon ng madaling-araw.
Ang biktima na namatay habang ginagamot sa J.P. Hospital ay nakilalang si Romeo Somera, binata at residente ng Barangay San Lorenzo Ruiz 2 ng naturang lugar.
Samantala, nakilala naman ang ibang nasugatan na sina Vinky Bactol, 14, ng Brgy. Sta. Cruz; Rodolfo Jaros, 14; Michael Cadenas, 16 at Aldrin Robles na pawang mga residente ng Brgy. San Lorenzo Ruiz 2 ng nabanggit na lugar.
Hindi naman nakilala ang mga nagsitakas na suspek sakay ng tricycle na pinalalagay ng pulisya na kalabang grupo ng mga biktima.
Base sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Wency Tubay, may hawak ng kaso, ganap na alas-3:15 ng madaling-araw nang salubungin ng sunud-sunod na putok ng shot gun ang mga biktima habang naglalakad papauwi mula sa dinaluhang sayawan.
May teorya ang pulisya na kalabang fraternity group ng mga suspek ang mga biktima kaya inabangang lumabas saka isinagawa ang krimen. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest