Rescue sa Burnhams, humataw!
January 14, 2002 | 12:00am
SUMISIP,Basilan Sinusuyod ngayon ng grupo ng elite Scout Rangers ang magubat na lugar ng Basilan island upang sagipin ang mag-asawang Burnham at isang Pinay nurse na nananatiling bihag ng mga kasamahang terorista ni Sayyaf Kumander Nadzmie Saabdulah, alyas Kumander Global.
Nabatid sa ulat ng militar, natagpuan ng mga kawal ng Phil. Army ang mga bateryang dry-cell at ginamit na charcoal ng mga teroristang Sayyaf habang nagsasagawa ng malawakang pagtugis sa natitirang miyembro ng mga kidnappers ng mag-asawang Kano at Pinay nurse.
Ginagalugad ngayon ng mga tauhan ni Major Charlie Galvez ang matatarik na bulubundukin upang masuyod ang posibleng pinagkukutaan ng mga terorista.
Sa ginawang pahayag ni Galvez, napag-aralan na ng kanyang mga tauhan ang lahat ng kanilang marinig na tunog ng hayop at ibon na posibleng nagmumula sa kalaban na nagsisilbing signal na may kalabang dumarating.
Kasama ng elite Scout Rangers ay ang 7,000 bilang ng kawal ng Phil. Army na nagsasagawa ng pagtugis sa mga kidnappers.
Hindi naman binanggit ng mga opisyal ng militar ang lahat ng lugar na kanilang pinostehan na pinagdaanan ng mga teroristang Sayyaf na may kaugnayan sa Al-Qaeda network ni Saudi-born terrorist Osama bin Laden na inaakusahan ng US government na utak sa naganap na pag-atake sa World Trade Center noong Sept. 11, 2001.
Magugunitang dinukot ng mga tauhan ni Kumander Global ang may 20 katao kabilang na ang mag-asawang Burnham at Pinay nurse na si Deborah Yap sa Dos Palmas beach resort sa Puerto Princesa, Palawan noong Mayo 27.
Ilan sa mga bihag ang pinalaya at ang iba naman ay pinugutan kabilang na si Guillermo Sobero ng California.
Dahil sa naging kontrobersyal ang grupo ng Sayyaf bilang terorista ay nagpadala na ng tulong ang pamahalaang Estados Unidos upang sugpuin ang lumalalang terorismo sa bansa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended