^

Probinsiya

29-anyos kinatay ng lover na lolo

-
INDANG, Cavite – Naging ugat ng malagim na kamatayan ng isang 29-anyos makaraang pagtatagain hanggang sa mapatay ng kanyang liver-in partner na lolo habang nag-aalmusal ang dalawa kahapon ng umaga sa Brgy. Pulo ng bayang ito.

Halos magkaputol-putol ang katawan ng biktimang si Rosalinda "Ning-Ning" Palomares, samantala, mabilis naman nasakote ang suspect na si Prudencio Election, 70, magsasaka na kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni PO1 Sherwin Chavez, kasalukuyang magkasamang nag-aalmusal ang dalawa dakong alas-7:30 ng umaga nang magbunganga ang biktima na kinairita naman ng suspect hanggang sa mauwi sa mainitang pagtatalo.

Nabatid pa sa impormasyon nakalap ng pulisya sa ilang kapitbahay na napikon ang suspect kaya kaagad na kinuha ang itak na nakasabit sa dingding at pinagtataga ang biktima kahit na ito ay patakbong lumalabas ng kanilang bahay. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

NABATID

NING-NING

PALOMARES

PRUDENCIO ELECTION

PULO

ROSALINDA

SHERWIN CHAVEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with