^

Probinsiya

Coed hinoldap na, ni-rape pa ng 2 trike driver

-
LUCENA CITY – Dobleng kamalasan ang inabot ng isang Tsinay na college student matapos na pagsamantalahan at agawan pa ng cellphone ng dalawang tricycle driver na nangholdap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Isabang sa lungsod na ito.

Sa ulat na tinanggap ni Supt. Danny Ramon Siongco, chief of police, ang biktima ay itinago sa pangalang Mirla Khan, 3rd year College sa Enverga University at residente ng Zaballero subdivision, Brgy. Gulang-gulang. Kasalukuyan namang tinutugis ng mga awtoridad ang dalawang suspect na pansamantalang hindi ibinigay ang mga pangalan.

Base sa salaysay ng biktima sa Lucena Womens Desk Section, dakong alas-11 ng gabi ay naghihintay siya ng masasakyang tricycle sa panulukan ng Enverga at Quezon City Avenue St. isang tricycle umano ang tumigil sa harapan ng biktima at nagpahatid na ito patungo sa kanilang bahay ngunit sa halip na ihatid sa tinukoy na lugar ay dinala siya sa Brgy. Isabang at doon ay kinuha ang kanyang wallet at cellphone saka isinagawa ang maitim na balak.

Habang tulalang naglalakad sa tabi ng highway ang biktima ay nakita naman ng mga security guard ng Sta. Isabel at sinamahan ang biktima sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BRGY

DANNY RAMON SIONGCO

DOBLENG

ENVERGA

ENVERGA UNIVERSITY

ISABANG

LUCENA WOMENS DESK SECTION

MIRLA KHAN

QUEZON CITY AVENUE ST.

TONY SANDOVAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with