Batangas Port Development Project, sisimulan na
January 12, 2002 | 12:00am
Pagkaraan nang matagal na panahong pagkakabinbin, sisimulan na ang pagtatatag ng Batangas Port Development Project sa ika-16 ng buwang kasalukuyan.
Inihayag ito ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kanyang talumpati sa ika-5 kumperensiya ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) sa Mandarin Hotel sa Makati City.
Sinabi ng Pangulong Arroyo na bukod sa mapaluluwag ang trapiko sa Metro Manila ang proyektong ito sa Batangas ay makapagpapahusay sa sistema ng transportasyon at maibababa ang singil sa pasahe sa Cavite-Laguna-Batangas-Rizal-Quezon area o CALABARZON.
Ikinalugod ng Pangulo ang pangyayari na ang pagsisimula ng proyekto ay magaganap sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Presidente at ito naman ay isang ideyang binalangkas noong panahong siya ay Trade and Industry Undersecretary. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended