^

Probinsiya

Pipi napikon sa biro ng tanod, pumatay

-
BALUD, Masbate – Hindi nagustuhan ng isang binatang pipi ang masakit na biro ng kainuman nitong isang barangay tanod kaya’t sa galit nito ay walang awa niyang pinagsasaksak kamakalawa ng gabi sa Brgy. San Antonio ng bayang ito.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa isang pagamutan dahil sa dami ng saksak na tinamo nito ay nakilalang si Reynaldo Capinig, 45, may-asawa at residente ng nasabing lugar.

Agad namang naaresto ang suspek na si Raymund Castro, 48, mangingisda at kapit-bahay ng nasawi.

Naganap ang insidente dakong alas- 7 ng gabi habang masayang nag-iinuman ang dalawa sa isang tindahan.

Nang malasing na ang mga ito ay inumpisahang biruin umano ng biktima ang suspek sa pagiging pipi nito.

Napikon ang suspek at kinuha ang patalim na nasa kanyang baywang at inundayan ng sunod-sunod na saksak ang biktima.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Balud municipal jail at nahaharap sa kasong homicide. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BALUD

BRGY

ED CASULLA

KASALUKUYANG

MASBATE

NAGANAP

NANG

RAYMUND CASTRO

REYNALDO CAPINIG

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with