Idineklarang patay sa Notre Dame Hospital ang biktimang si Atty. Kamid Delna Abdul na tinambangan bandang alas-3:05 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Base sa ulat mula sa Camp Crame, kasalukuyang sakay ang biktima ng kotseng mini-cruiser na minamaneho ni Muhidin Lauban nang harangin ng mga killer.
Pinabuksan pa ng mga killer ang bintanang salamin ng kotse saka sunud-sunod na pinaputukan ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan ngunit hindi naman ginalaw ang driber.
Ayon pa sa ulat ng pulisya, bago naganap ang pamamaslang ay nakatatanggap na ng mga pagbabanta sa kanyang buhay ang biktima dahil sa mga hinahawakang kontrobersyal na kaso na hindi ibinunyag ng mga awtoridad. (Ulat ni Joy Cantos)