Pier, airport at bus terminal sa Mindanao red alert sa Misuari loyalist
January 11, 2002 | 12:00am
Masusing binabantayan ngayon ng mga militar ang lahat ng airports, seaports at mga bus terminals sa Mindanao upang bantayan ang mga armadong loyalist ni dating Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari na makaalis at maghasik ng lagim.
Ayon kay Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Pantaleon Alvarez, nagrereklamo na umano ang mga loyalista ni Misuari dahil sa paghihigpit na isinasagawa nila sa Cebu, Davao at iba pang parte ng Mindanao.
Mas pinaigting na rin umano ang ginagawang pagbabantay ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) upang manmanan kung may malaking armadong grupo na maglalayag.
Nakatanggap din ng impormasyon si Alvarez na magsasagawa ng pananabotahe ang mga kaalyado ni Misuari sa pamamagitan ng pambobomba sa mga sasakyan at mga pier o terminals. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest