2 killers na papatay sa saksi sa loob ng korte naaresto
January 11, 2002 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Napigilan ng mga alertong tauhan ng pulisya ang madugong pangyayari kahapon sa loob mismo ng korte makaraang madakip ang dalawa sa tatlong armadong kalalakihan na papatay sa nag-iisang saksi sa kasong murder na kinasasangkutan ng isang pulis.
Nasamsam kina Cesario Gardin ng Brgy. Sto Niño, Taysan, Batangas at Sales Usi ng Brgy. Mataas na Lupa ang dalawang M16 armalite rifle at 9mm pistol at gagamiting gateaway na kotse.
Nakatakas naman si Isidro Ancheta, Jr. nang matunugang nadakip na ang kanyang mga kasama sa loob ng Taysan Municipal Court, Batangas.
Si dating SPO4 Isidro Ancheta, Sr. na ama ni Ancheta, Jr. ay pangunahing suspek sa pagpatay kina Rico Alcantara ng San Pablo City at Vivencio Gatchalian ng Antipolo City noong Oktubre 7, 2001 sa Brgy. Sto. Niño, Batangas City.
Napag-alaman na dumating sa loob ng nabanggit na korte ang mga suspek at nagpanggap na mga kamag-anak ng akusado habang nililitis ang kaso ni Ancheta, Sr.
Dahil sa kahina-hinalang kilos ng mga suspek ay sinita ng mga nakatalagang pulis at nadiskubreng itutumba ang nag-iisang saksi sa krimen na hindi binanggit ang pangalan. (Ulat ni Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest