Sundalong opisyal at CVO nakuryente
January 10, 2002 | 12:00am
Naging ugat ng kamatayan ng isang sundalong opisyal at miyembro ng Civilian Volunteers Organization (CVO) makaraang makuryente habang nagkakabit ng VHF antenna sa loob ng compound ng Lapuyan detachment ng Phil. Army sa Davao City kamakalawa.
Nagtamo ng 2nd degree burn at idineklarang patay sa Davao City Regional Hospital ang mga biktima na sina Corporal Laurence Agbayani, asst. commander na nakabase sa Mandug, Buhangin at CVO Noel Maitem.
Nabatid sa ulat mula sa Camp Crame, naganap ang pangyayari dakong alas-9:30 ng umaga habang nagtutulong magkabit ng radio VHF antenna ang dalawa nang mapahawak sa talop ng linya na may malakas na boltahe ng kuryente. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended