3 tindero patay sa ambus
January 10, 2002 | 12:00am
CAMP OLIVAS, Pampanga Tatlong tindero na pinaniniwalaang napagkamalang mga espiya ng militar ang iniulat na pinagbabaril ng mga rebeldeng kasapi ng Rebolusyunaryong Hukbong Bayan (RHB) habang sakay ng tricycle sa kahabaan ng Brgy. Acle Suclaban, Mexico, Pampanga noong Lunes ng hapon.
Kinilala ni Pampanga PNP Provincial Director P/Sr. Supt. Ismael Rafanan ang mga biktima na sina Renato Isponilla, 51 ng Brgy. Tarcan, Concepcion, Tarlac; Roy Tengco, 36 ng Brgy. Bagong Nayon at Wilmer Dizon, 28 ng Brgy. Sulipan, Baliuag, Bulacan.
Base sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen dakong alas-12 ng tanghali habang ang mga biktima ay papauwi mula sa pagtitinda ng gamit-kusina at sumakay ng tricycle hanggang sa tambangan ng mga rebelde. (Ulat ni Erickson Lovino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 8 hours ago
By Cristina Timbang | 8 hours ago
By Tony Sandoval | 8 hours ago
Recommended