Chinese trader kinidnap
January 10, 2002 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Isang negosyanteng Intsik ang kumpirmadong kinidnap ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang nagmamaneho ng kanyang scooter mula sa pag-aari ng warehouse sa Hillside Subdivision sa Brgy. San Roque, Rosario, Batangas noong Lunes ng gabi.
Si Chan Lin Loy, 37, alyas Joseph Chan na nagmamay-ari ng SJC General Merchandize ay pinaniniwalaang dinukot dakong alas-7:45 ng gabi may ilang minuto matapos na lumabas ng nabanggit na warehouse.
Napag-alaman pa sa ulat na natagpuan ng mga tauhan ng biktima ang ginamit na scooter na umaandar pa ang makina sa gilid ng kalsada malapit sa kanilang warehouse.
Sinabi ni Edgardo Gonzales, isa mga tauhan ng biktima na ang pagkakatagpo sa scooter ay naging ugat upang hanapin ang kanilang amo.
Ilang minuto pa lamang ang nakalilipas ay nakatanggap ng tawag sa telepono ang asawa ng biktimang si Jovi na maghanda ng malaking halaga ng pera upang ipamalit sa paglaya ng kanyang mister.
Naniniwala si Jovi na ang ginamit ng mga kidnapper upang makatawag ay cellphone ng kanyang asawa.
Binalaan naman ng biktima ang asawa na ilihim ang pangyayari sa mga awtoridad upang hindi malagay sa panganib ang kanyang buhay. (Ulat ni Rene Alviar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended