^

Probinsiya

Ama patay sa anak na nag-amok

-
LUCENA CITY – Nagkabutas-butas ang katawan at namatay noon din ang isang karpintero matapos na saksakin ng kanyang sariling-anak nang awatin ang suspek na nagwawala sa kanilang bahay sa Purok Ilang-Ilang, Zaballero Subdivision, Barangay Gulang-Gulang sa lungsod na ito noong gabi ng Enero 3, 2002.

Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Quezon PNP Provincial Director P/Supt. Roberto Rosales, nakilala ang biktima na si Bonifacio Baron, 46, tubong Bacolod City at residente ng naturang lugar, samantalang tinutugis ngayon ng mga awtoridad ang suspek na anak na si Bernard, 22, pintor ng nasabi ring lugar.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO3 Raul Avilla, may hawak ng kaso, dakong alas-6:45 ng gabi ay dumating na lango sa alak sa kanilang bahay ang suspek at kaagad na naghuramentado sa di malamang kadahilanan.

Sinikap payapain ng kanyang ama ang anak na nag-aamok subalit sa halip na paawat ay lalo itong nagalit at kumuha pa ng kutsilyo saka inundayan ng sunud-sunod na saksak ang nabiglang ama.

Nang bumulagta sa sahig ang matandang Baron kasabay ng pagkakagulo ng mga tao sa bahay ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang patalim na ginamit sa pamamaslang. (Ulat ni Tony Sandoval)

vuukle comment

BACOLOD CITY

BARANGAY GULANG-GULANG

BATAY

BONIFACIO BARON

PROVINCIAL DIRECTOR P

PUROK ILANG-ILANG

RAUL AVILLA

ROBERTO ROSALES

TONY SANDOVAL

ZABALLERO SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with