Banggaan ng 2 jeep: Mag-ina patay, mister kritikal
January 6, 2002 | 12:00am
TRECE MARTIREZ CITY, Cavite Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang mag-ina habang ang mister na pulis ay kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan makaraang salpukin ng isang rumaragasang pribadong dyip ang sinasakyang owner type dyip sa kahabaan ng Trece-Indang road, Barangay Luciano ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang nasawing mag-ina na sina Nancy Espineli, 39, trader at anak na grade 2 pupil na si Kim Era esponeli, 7-anyos.
Samantala, malubhang nasugatan ang asawang si SPO1 Leopoldo Espineli, 49, nakatalaga sa Region 4 Task Force Calabarzon at pawang mga residente ng Barangay Alulod, Indang, Cavite.
Ginagamot din ang driber ng dyip na si Melchor Veridiano, 41, may asawa, at residente ng Katipunan Village, Muntinlupa City na nagtamo rin ng sugat sa mukha.
Ayon kay PO1 Benjamin Villanueva, may hawak ng kaso, si Veridiano ay sasampahan ng kasong homicide, serious physical injuries at damaged to properties sa pagkamatay ng mag-ina at grabeng ikinasugat naman ni SPO1 Espineli.
Sa isinumiteng ulat kay P/Supt. Maximo Villa, hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang pangyayari dakong alas-9:20 ng gabi makaraang sakupin ng minamanehong dyip ni Veridiano ang kaliwang lane na kasalubong naman ng sinasakyang owner type dyip ng mga biktima.
Dahil sa mabilis na pagmamaneho ay hindi na nakuha pang ikabig ni Veridiano ang minamanehong pribadong dyip sa kanang bahagi ng kalsada kaya sumalpok ito sa sasakyan ng mga biktima.(Ulat ni Mading Sarmiento )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest