^

Probinsiya

Flashflood: 25 bayan lumubog

-
Dalawampu’t limang bayan (25) sa Northern Mindanao ang lumubog sa tubig baha matapos ang walang humpay na pagbuhos ng ulan na sinabayan pa ng malalakas na ihip ng hangin na nagsimula pa nitong bisperas ng Bagong Taon sa naganap na malawakang flashflood sa ilang mga lalawigan sa nasabing rehiyon.

Batay sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ni Office of Civil Defense (OCD) Administrator Ret. Major General Melchor Rosales, nabatid na nagsimula ang pag-ulan noon pang Disyembre 31 na puminsala sa maraming bayan sa lalawigan ng Surigao del Sur, Agusan del Sur, Davao at Compostella Valley province.

Kabilang sa mga naapektuhang bayan na masusi pa ring minomonitor ng mga government rescuers ay ang Barobo, Bayabas, Bislig, Cagwait, Cantillan, Carmen, Carrascal, Cortes, Hinatuan, Lanuza, Lingig, Lianga, Madrid, Marihatag, San Agustin, San Miguel, Tagbina, Tandag at Tago sa probinsya ng Surigao del Sur habang napag-alaman na lubog rin sa tubig baha ang mga bayan ng Prosperidad, Rosario, San Francisco, Bunawan, Loreto at Talacogon.

Ayon pa sa report ng OCD, umaabot sa 15,171 pamilya o katumbas na 76,635 katao ang lubhang naapektuhan sa naganap na walang humpay na pag-ulan.

Idinagdag pa sa ulat ng OCD na umabot na sa mga Davao provinces ang pinsala kung saan 18 barangay na ang naapektuhan habang 7 naman sa Compostella Valley province. Nabatid pa sa Davao City ay limang kabahayan ang tuluyang nawasak ng pagdaloy ng mataas at malakas na flashflood.

Nilinaw naman ng OCD na handa ang lahat ng evacuation centers sa mga karatig na lugar sa sandaling magkaroon ng mass evacuation mula sa mga apektadong lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ADMINISTRATOR RET

BAGONG TAON

COMPOSTELLA VALLEY

DAVAO

DAVAO CITY

JOY CANTOS

MAJOR GENERAL MELCHOR ROSALES

NORTHERN MINDANAO

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with