Ang mga biktima ay nakilalang sina PO3 Roman Casilag, 38, may-asawa, miyembro ng Lipa City PNP at ang driver na si Samuel Persia na kapwa nagtamo ng tama ng mga bala sa ulo at katawan.
Namatay naman noon din ang isang suspek na nakilalang si Jaime Barrameda, 42, may-asawa ng Brgy. Sabang, Naic, Cavite habang naaresto naman ang magkapatid na sina Vicente, 58 at Menardo Simbahan ng Rosario, Batangas habang nakatakas ang isa pang suspek na si Onofre Reyes.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng umaga ay lulan ang mga biktima ng isang pampasaherong jeep (DRW-565) na minamaneho ni Persia.
Pagdating sa kalagitnaan ng Brgy. Macalamcam ay sumulpot ang mga suspek na lulan ng isang jeep na walang plaka at agad na pinaputukan ang mga biktima.
Kahit na tinamaan ang pulis ay nagawa nitong gantihan ng putok ang mga suspek at kanyang nasapul si Barrameda.
Isang police station na malapit lang sa pinangyarihan ang nagresponde kung kayat napilitan ang mga suspek na sumuko habang nakatakas naman ang isa. (Ulat ni Ed Amoroso)