^

Probinsiya

Trader, 2 staff kinidnap; P5M ransom hingi

-
Isang negosyanteng babae at dalawa nitong staff ang kinidnap ng limang armadong kalalakihan at humihingi ng P 5 milyong ransom para sa kanilang kalayaan.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Ma. Cecilia "Chiqui" Bonifacio, 24, negosyante; Fe Jayno, secretary at ang tiyahin nito na nakilala lamang sa pangalang Norma.

Si Bonifacio ay anak ng may-ari ng Bonifacio Motors na nakabase sa Davao City at residente ng 32 Saranggani st., Insular Village, Lanang ng nasabing lungsod.

Sa ulat na tinanggap ni AFP Southcom Chief, Lt. Gen. Roy Cimatu na ang mga biktima ay kinidnap ng mga kidnappers sa bisinidad ng Sasa Wharf dakong alas-12 ng tanghali kamakalawa.

Pasakay na umano ang mga biktima sa kanilang sasakyan na Toyota RAV 4 (LDM-555) na kulay asul na nakaparada nang ito ay tutukan ng baril ng mga suspek.

Nalaman lang ng mga awtoridad ang insidente pagkalipas ng tatlong oras ng ito ay ireport ng isang Teresita Pascual na manager ng Bonifacio Motors.

Si Pascual ay tinawagan ni Bonifacio sa cellphone dakong alas-12:30 at inutusan nitong kumubra sa banko ng P 5 milyon bilang ransom.

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad kung ang grupo ng mga kidnappers ay mula sa mga miyembro ng Pentagon o Abu Sayyaf.

Agad namang tinutugis ng mga elemento ng National Anti-Crime Task Force (NACTAF) Mindanao Area Command ang mga kidnappers. (Ulat ni Roel Pareño)

vuukle comment

ABU SAYYAF

BONIFACIO

BONIFACIO MOTORS

DAVAO CITY

FE JAYNO

INSULAR VILLAGE

MINDANAO AREA COMMAND

NATIONAL ANTI-CRIME TASK FORCE

ROEL PARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with