^

Probinsiya

Mag-ama mapuputulan ng kamay dahil sa paputok

-
MALOLOS, Bulacan – May posibilidad na putulin ang kanang kamay ng mag-ama makaraang sumabog ang hawak na paputok na aktong ihahagis sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Barangay Lugam ng bayang ito.

Kasalukuyang nilalapatan ng lunas at inoobserbahan pa sa Jose Reyes Memorial Hospital ang mag-amang sina Joselito Rodriguez, 44 at anak nitong si John Paul, 11, ng nabanggit na barangay.

Sa isinumiteng ulat kay Bulacan PNP Provincial Director Edgardo Acuña, magkasabay na sinindihan umano ng mag-ama ang hawak nilang malalakas na paputok at aktong ihahagis subalit sa hindi inaasahang pagkakataon ay sumambulat ito na naging dahilan upang mawasak ang kanilang kamay. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

BAGONG TAON

BARANGAY LUGAM

BULACAN

EFREN ALCANTARA

JOHN PAUL

JOSE REYES MEMORIAL HOSPITAL

JOSELITO RODRIGUEZ

KASALUKUYANG

PROVINCIAL DIRECTOR EDGARDO ACU

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with