Onsehan sa droga driver pinatay

DASMARIÑAS, Cavite – Pinaniniwalaang onsehan sa droga ang naging kamatayan ng isang trike driver makaraang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang killer habang ang biktima ay nakatayo sa gilid ng kalsada ng Barangay Datu Esmael ng bayang ito kamakalawa ng hapon.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ferdinand Alconde, 36, ng Block 122, Lot 29, Bulihan, Silang, Cavite.

Sa isinumiteng ulat kay P/ Chief Insp. John Bulalacao, hepe ng pulisya sa bayang ito, nabatid na dakong alas-4 ng hapon nang yayain ang biktima ng kanyang kaibigang driver sa nabanggit na lugar subalit ilang sandali pa ang nakalipas habang nakatayo ang biktima ay umalingawngaw ang malakas na putok ng baril na ikinasawi ni Alconde. (Ulat ni Cristina Go -Timbang)

Show comments