Hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ang biktimang si Gabriel Tusing, 47, may asawa, isang CIV security guard sa mini public market at residente ng Block 18 Lot 7 ng nasabing lugar.
Samantala, ang suspek na ngayoy nakakulong ay nakilalang si John Parohinog, 24, binata at residente ng Block F-1 Lot 7, Barangay San Nicolas 2 ng naturang lugar.
Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Wency Tubay, naganap ang krimen dakong alas-12:15 ng madaling-araw makaraang maaktuhang nandurugas ng mga grocery items ang biktima sa saradong tindahan ni Eileen Dionisio. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)