Binati at pinasalamatan ni Pangulong Macapagal-Arroyo si Davao Mayor Rudy Duterte sa ginawang disiplina at pagpapatakbo sa nasasakupang lungsod dahil sa nabawasan ng malaki ang bilang ng mga biktima ng paputok.
Sinabi pa ng Pangulo na ang naganap na zero record ng mga biktima ng paputok sa Davao City ay tatalakayin niya sa kumbensyon ng mga city mayor.
Kasunod nito, magdaraos ang Pangulo ng kauna-unahang Cabinet meeting sa Cotabato City sa Enero 4, 2002 sa Estosan Hotel.
Samantala, sa Lucena City naman ay pito katao ang iniulat na malubhang nasugatan dahil sa paputok sa pagsalubong ng Bagong Taon.
Kumpirmado namang malubhang nasugatan ang mag-asawang Eduardo, 79 at Ellen Besas ng Barangay Cotta, Lucena City dahil sa malalakas na paputok partikular sina Angelito Delos Angeles, 66; Francis Navio, 6; Ramil Palomares, 18; Mark Rafael Cruzat, 20 at Ramon Lacorte, 42 ng Dalahican.
Nabatid naman sa ulat mula sa Camp Gen. Oscar Florendo, La Union, aabot naman sa 28 katao ang nadale ng paputok sa Dagupan at Pangasinan. (Ulat nina Lilia Tolentino,Tony Sandoval at Myds Supnad)