Jeep inararo ng tren: 6 patay; 18 sugatan
December 31, 2001 | 12:00am
NABUA, Camarines Sur Anim na katao ang nasawi habang labinwalo naman ang nasugatan matapos na araruhin ng tren ang isang pampasaherong jeep na kinalululanan ng mga biktima sa intersection sa Brgy. Paoyan kamakalawa ng gabi sa nasabing bayan.
Namatay noon din sina Andres Baldoza, 45; Tiburcio Espalmado,10; Vanesa Espalmaldo, 15; Crisanta Baldoza, 30 pawang residente ng Brgy. La Purisima, bayan ng Nabua. Samantala, namatay habang dinadala sa pagamutan si Michelle Mendeville,15 at isang hindi pa nakikilalang lalaki na ang edad ay nasa pagitan ng 20 hanggang 35.
Ang mga nasugatan ay nakilalang sina Jo Marie Macaraig, Marvin Cordero, Susan Corteso, Maria Baldoza, Rose Ann Baldoza, Joseph Magistrado, Medel Compitente, Annie Oraye, Jomar Macaraig, Judy Ann Baldoza, Melvin Oxiato, Sonny Espalmado,Vivian Espalmado, John Jay Espalmado, Mark Rit, Edgar Brigada, Jevelo Macaraig Jr. at ang driver ng jeep na si Jevelo Macaraig Sr.
Sa inisyal na ulat ng Nabua PNP, dakong alas-7:10 ng gabi ay mabilis umanong inovertake ng matandang Macaraig ang kanyang jeep (UBN-773) na patungong Guinobatan ang isang bus.
Dahil sa madilim ang intersection ay hindi napansin ni Macaraig ang parating na tren na minamaneho ni Ricardo Pascia mula Legaspi City na patungong Maynila.
Dahil sa mabilis din ang takbo ng tren hindi nito kayang ipreno ni Pascia kayat nasalpok nito ang jeep.
Ayon sa pulisya, matagal na umanong inirereklamo ng mga motorista ang nasabing intersection dahil sa wala itong harang na nagbabala kung may dumarating na tren, kaya naman dumidiretso na lang ang bawat sasakyan.
Ang driver ng tren ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide. (Ulat nina Ed Casulla at Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended