P.5M tangay sa aircon bus holdap
December 30, 2001 | 12:00am
Tinatayang kalahating milyong piso ang natangay ng limang holdaper sa mga pasahero kabilang ang isang miyembro ng PNP sa naganap na holdapan sa isang aircon bus sa kahabaan ng Coastal road, Parañaque City, kamakalawa ng gabi.
Tinangay sa pasaherong pulis na si PO1 Levy Olaes, 24, may-asawa, ng Mallari Sts.,Brgy. Zone 1,Dasmariñas, Cavite at nakatalaga sa San Juan police ang kanyang pera, alahas, cellphone at ang kanyang uniporme.
Ang limang suspek na pawang armado ng mga baril ay mabilis na nagsibabaan sa Brgy. Zone 1 at Brgy. Salitran, Dasmariñas, Cavite matapos na makuha ang mga pera at mahahalagang gamit sa humigit kumulang na 100 pasahero.
Sa ulat ng pulisya, na kasalukuyang binabagtas ng ErJohn and Alma transit (DVY-495) ang kahabaan ng Coastal road ng magdeklara ng holdap ang limang suspek.
Matapos na malimas ang mga pera at mahahalagang gamit ay magkakahiwalay na nagsibabaan ang mga suspek. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended