Ayon kay Berroya, dapat ay non-bailable ang kaso ng naarestong si Hadi Yousef Alghoul na nasamsaman ng 281 sticks ng dinamita at mga kagamitan sa paggawa ng bomba.
Patuloy ang pagsisiyasat sa suspek kung paano ito nakapasok sa bansa at kung may kinalaman ito sa naganap na pagpapasabog sa World Trade Center noong 1993 na kung saan ay naaresto ang principal suspek na si Ramsey Yousef noong 1995 sa Maynila.
Sinasabi na ang suspek ay nauna na umanong naaresto noong 1995 pero pinakawalan dahil kapangalan lang umano nito ang kasabwat ni Yousef sa pambobomba sa Estados Unidos.
Si Alghoul ay may plano umanong maglunsad ng pambobomba sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan at ginagamit lang nitong front ang kanyang mga naitayong negosyo sa nasabing lalawigan. (Ulat ni Joy Cantos)