^

Probinsiya

Jordanian terrorist pinayagang makapagpiyansa

-
Dismayado si Police Regional Office (PRO) 3 Director, C/Supt. Reynaldo Berroya sa pagpayag ng korte na magpiyansa ng P 200,000 ang naarestong Jordanian national na hinihinalang miyembro ng Al Qaeda network ni Saudi billionaire Osama bin Laden sa isinagawang operasyon sa Balanga, Bataan ng kanyang mga tauhan.

Ayon kay Berroya, dapat ay non-bailable ang kaso ng naarestong si Hadi Yousef Alghoul na nasamsaman ng 281 sticks ng dinamita at mga kagamitan sa paggawa ng bomba.

Patuloy ang pagsisiyasat sa suspek kung paano ito nakapasok sa bansa at kung may kinalaman ito sa naganap na pagpapasabog sa World Trade Center noong 1993 na kung saan ay naaresto ang principal suspek na si Ramsey Yousef noong 1995 sa Maynila.

Sinasabi na ang suspek ay nauna na umanong naaresto noong 1995 pero pinakawalan dahil kapangalan lang umano nito ang kasabwat ni Yousef sa pambobomba sa Estados Unidos.

Si Alghoul ay may plano umanong maglunsad ng pambobomba sa Metro Manila ngayong Kapaskuhan at ginagamit lang nitong front ang kanyang mga naitayong negosyo sa nasabing lalawigan. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

AL QAEDA

ESTADOS UNIDOS

HADI YOUSEF ALGHOUL

JOY CANTOS

METRO MANILA

POLICE REGIONAL OFFICE

RAMSEY YOUSEF

REYNALDO BERROYA

SI ALGHOUL

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with