Paslit nahulog sa balon, nalunod
December 30, 2001 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Halos mabaliw ang isang ina na sa kanyang pag-uwi mula sa pagtatrabaho ay nadatnan niyang isa ng malamig na bangkay ang kanyang anak matapos na ito ay mahulog sa isang balon malapit sa kanilang bahay sa Happy Homes Subdivision, Brgy. Pamorangon, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay nakilalang si Emmanuel Era, 2 ng nasabing lugar na natagpuang nakalutang sa balon matapos na ito umano ay mahulog at malunod.
Batay sa salaysay ng lola ng biktima na si Rosario, na bandang alas-6 ng gabi ay naiwang nag-iisa sa loob ng bahay ang biktima ng pansamantalang lumabas ng bahay ang ama habang ang ina naman nito ay nasa trabaho.
Nang bumalik ang ama sa bahay ay laking pagtataka nito kung bakit wala ang anak. Tinawag niya ang anak subalit hindi sumasagot.
Ganoon na lamang ang kaba nito at hinalughog ang buong kabahayan subalit hindi pa rin nito makita ang anak.
Isang sandali pa ay narinig nito ang sigaw mula sa kanyang kapitbahay na ang kanyang anak ay natagpuang nakalutang sa balon.
Wala ng buhay ng kunin ng ama ang kanyang anak sa balon. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended
November 30, 2024 - 12:00am