4 informer nailigtas ng militar sa 'kangaroo court' ng NPA
December 29, 2001 | 12:00am
Apat na informer ng militar na isinasailalim sa paglilitis sa "kangaroo court" ng New Peoples Army (NPA) matapos ang mga itoy dukutin ng mga rebeldeng komunista kamakailan ang nasagip ng tropa ng pamahalaan sa posibleng "firing squad" sa isinagawang operasyon sa Laak, Compostela Valley, ayon sa ulat kahapon.
Sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva, kinilala ang mga nasagip na sibilyang informer na sina Sapanta Tawaay, Reslio Sebio, Donica Tawaay at Cristituto Barangan.
Ang apat na hostages ay nakatakas bunga ng ipinadamang "pressure" ng tropa ng militar laban sa grupo ng mga rebeldeng komunista na bumihag sa mga ito matapos na ilunsad ang search and rescue operations sa bulubundukin at magubat na lugar.
Base sa imbestigasyon, ang apat ay kinidnap ng mga rebeldeng NPA sa pamumuno ng isang alyas Ka Bibit sa Sitio Kibaguio, Brgy. Concepcion sa bayan ng Laak bandang alas-3 ng hapon mahigit isang Linggo na ang nakakaraan.
Ang mga biktima ay dinala ng mga rebelde sa kanilang kuta sa kagubatan upang umanoy isailalim sa "kangaroo court" dahilan umano sa pagkairita sa ginagawa ng mga itong pang-eespiya sa kanilang kilusan at pagkalagas ng malaking puwersa ng kanilang hukbo sa pakikipag-engkuwentro sa tropa ng militar.
Ang kasong "espionage" o pang-eespiya ay may katapat na parusang kamatayan sa ilalim ng kangaroo court o ang hukumang bayan ng mga rebeldeng NPA.
Pinakahuli sa insidente ay ang pagkakadakip ng tatlong rebelde na umanoy itinuro ng naturang mga sibilyan sa mga sundalo na sangkot sa malawakang pangingikil ng revolutionary tax sa kanilang lugar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest