^

Probinsiya

Pulis at kaibigan, binoga ng pulis dahil sa P5

-
CAMP OLIVAS, Pampanga – Isang miyembro ng PNP at kaibigan nito ang pinagbabaril ng isa ring pulis matapos magtalo sa halagang P 5 sa loob ng isang videoke bar sa Brgy. San Rafael, Tarlac City kamakalawa.

Ang mga biktima na patuloy na inoobserbahan sa Tarlac Provincial Hospital ay nakilalang sina PO3 Menardo Gaerlan, 30 at ang kaibigan nitong si Jessie Paat, 32 ng Brgy. San Rafael.

Naaresto agad ang suspek na si SPO2 Virgilio Sibayan, miyembro ng Tarlac City PNP at nahaharap sa kasong frustrated homicide.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:30 ng umaga ay nag-iinuman ang mga biktima sa videoke bar na pag-aari ng suspek na matatagpuan sa McArthur Highway, Sitio Valdez, Brgy. San Rafael ng nasabing lungsod.

Nang dumaan sa harap nina Gaerlan at Paat ang isang waitress ito umano ay hiningian ng limang piso ng huli para ihulog sa video machine.

Ikinagalit ni Sibayan ang ginawang paghingi ni Paat sa kanyang waitress kaya naman binunot nito ang baril at ipinutok sa itaas.

Nagulat ang mga biktima kaya’t tumayo sila sa kanilang kinauupuan para komprontahin, subalit hindi pa sila nakakalapit ay agad silang pinagbabaril ng suspek. (Ulat ni Jeff Tombado)

BRGY

JEFF TOMBADO

JESSIE PAAT

MENARDO GAERLAN

PAAT

SAN RAFAEL

SITIO VALDEZ

TARLAC CITY

TARLAC PROVINCIAL HOSPITAL

VIRGILIO SIBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with