Sa ipinalabas na desisyon ni Justice Bernardo Pardo ng Korte Suprema na ilegal ang ginawang pagsibak sa trabaho ni Mayor Lacsasa Adiong kay Nasiba Nuska.
Batay sa rekord ng korte, inutusan ni Adiong ang lahat ng kawani ng munisipyo na magsumite ng kanilang copies of appointments dahil sa tatanggalin ang mga empleyadong casual.
Subalit hindi agad naisumite ni Nuska ang kanyang mga dokumento sa tanggapan ni Adiong kayat agad itong sinibak.
Sinabi ng Korte Suprema na hindi sapat na dahilan para sibakin si Nuska dahil hindi maituturing na pinabayaan nito ang kanyang trabaho.
Kaya inatasan ng Korte Suprema si Adiong na muling ibalik sa puwesto si Nuska. (Ulat ni Grace Amargo)