^

Probinsiya

Mayor na nanibak ng isang civil registrar kinastigo ng SC

-
Kinastigo kahapon ng Korte Suprema ang mayor ng Lanao del Sur kaugnay sa ilegal nitong pagpapatalsik sa isang civil registrar sa kanyang trabaho dahil sa hindi lang nito pagtalima sa isang kautusan.

Sa ipinalabas na desisyon ni Justice Bernardo Pardo ng Korte Suprema na ilegal ang ginawang pagsibak sa trabaho ni Mayor Lacsasa Adiong kay Nasiba Nuska.

Batay sa rekord ng korte, inutusan ni Adiong ang lahat ng kawani ng munisipyo na magsumite ng kanilang copies of appointments dahil sa tatanggalin ang mga empleyadong casual.

Subalit hindi agad naisumite ni Nuska ang kanyang mga dokumento sa tanggapan ni Adiong kaya’t agad itong sinibak.

Sinabi ng Korte Suprema na hindi sapat na dahilan para sibakin si Nuska dahil hindi maituturing na pinabayaan nito ang kanyang trabaho.

Kaya inatasan ng Korte Suprema si Adiong na muling ibalik sa puwesto si Nuska. (Ulat ni Grace Amargo)

ADIONG

BATAY

GRACE AMARGO

JUSTICE BERNARDO PARDO

KAYA

KINASTIGO

KORTE SUPREMA

MAYOR LACSASA ADIONG

NASIBA NUSKA

NUSKA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with