NPA commander at iba pa sinampahan ng kasong pagpatay
December 28, 2001 | 12:00am
TACLOBAN CITY, Samar Nagsampa ng kasong pagpatay at pagnanakaw ang San Jose de Buan PNP laban sa isang New Peoples Army commander at sa mga kasamahang responsable sa pagpatay sa dalawang sibilyan sa ginawang pagsalakay sa isang police station noong Nobyembre 16.
Sinampahan ng kaso ni C/Supt. Nardito Yoro, PNP regional director ang NPA commander na si Carlito Salingsing alias Terado at ang 50 miyembro nito.
Ayon kay Yoro, dalawang magkahiwa lay na kasong murder at robbery ang kanilang isinampa kay MTC Judge Salvador Jakosalim laban sa mga rebelde.
Magugunita na sinalakay ng mga rebelde ang police station ng nasabing bayan na kung saan ay limang pulis ang dinisarmahan ng mga ito.
Ang dalawang sibilyan na sina Cecelio Obinguar, dating miyembro ng Sangguniang Bayan at dating sundalo na si Alex Padello na nagkataong nandoon ay pinagbabaril ng mga ito. (Ulat ni Miriam Garcia Desacada)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended