"This are all a part of destabilization campaign, siguro some groups are lining themselves and forming shadowy group who claimed as Federal Army," pahayag ni AFP Deputy Chief of Staff for Education and Training at Acting AFP Spokesman, Philippine Marine Brig. Gen. Emmanuel Teodosio.
Nauna nang ipinag-utos ni Senador Rodolfo Biazon sa liderato ng AFP na beripikahin ang umanoy pagsulpot ng MFA upang matukoy at madetermina kung sino ang may pakana ng paglutang ng naturang teroristang grupo.
Samantalang may mga hinala na ang pagsulpot ng MFA ay maaaring pakana ng Misuari Renegade Group (MRG) ni rebel leader at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari o kaya naman ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) upang maghasik ng terorismo sa mga pangunahing lungsod sa katimugang bahagi ng bansa.
Sinabi ni Teodosio na nagsasagawa pa ng beripikasyon ang militar hinggil sa sinasabing pagsulpot ng MFA pero hanggat puro ugung-ugong lang ito ay hindi dapat ikaalarma dahil posibleng pananakot lamang ang paglutang ng MFA.(Ulat ni Joy Cantos)