^

Probinsiya

Federal Army bahagi ng destabilization

-
Bahagi umano ng destabilization plot ang paglutang ng Mindanao Federal Army, isang bagong tatag na teroristang grupo na pinaghihinalaang nasa likod ng mga pambobomba sa rehiyon ng Mindanao.

"This are all a part of destabilization campaign, siguro some groups are lining themselves and forming shadowy group who claimed as Federal Army," pahayag ni AFP Deputy Chief of Staff for Education and Training at Acting AFP Spokesman, Philippine Marine Brig. Gen. Emmanuel Teodosio.

Nauna nang ipinag-utos ni Senador Rodolfo Biazon sa liderato ng AFP na beripikahin ang umano’y pagsulpot ng MFA upang matukoy at madetermina kung sino ang may pakana ng paglutang ng naturang teroristang grupo.

Samantalang may mga hinala na ang pagsulpot ng MFA ay maaaring pakana ng Misuari Renegade Group (MRG) ni rebel leader at dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Nur Misuari o kaya naman ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) upang maghasik ng terorismo sa mga pangunahing lungsod sa katimugang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Teodosio na nagsasagawa pa ng beripikasyon ang militar hinggil sa sinasabing pagsulpot ng MFA pero hangga’t puro ugung-ugong lang ito ay hindi dapat ikaalarma dahil posibleng pananakot lamang ang paglutang ng MFA.(Ulat ni Joy Cantos)

AUTONOMOUS REGION

DEPUTY CHIEF OF STAFF

EDUCATION AND TRAINING

EMMANUEL TEODOSIO

FEDERAL ARMY

GOVERNOR NUR MISUARI

JOY CANTOS

MINDANAO FEDERAL ARMY

MISUARI RENEGADE GROUP

MUSLIM MINDANAO

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with