Ang mga nasawi noon din ay nakilalang sina Marilyn Maghanoy, 11; Fely Fernandez,15; Alejandro Fernandez, 37; Maria Ellen Espina,17; Gerard Abellana,15; Marciano Maghanoy, 50; Clinton Sabalo, 7; Michael Maghanoy, 15; Nestor Sabalo, Efipanio Fernandez, 39 ; Expideto Ducoy, 32; habang sina Mario Fernandez,19; Christian Sabalo at Junie Abellano, 70 ay namatay habang ginagamot sa General Santos City Doctors Hospital.
Ang mga nasugatan naman ay sina Mariol Fernandez,9; Nicko Fernandez,4; Christina Sabalo,37; Marvin Maghanoy,10; Jomar Fernandez,19; Salvino Abellana,45; Remy Fernandez, 19; Alfredo Mosquera; Nida Zuñiga,35; at 2 pang hindi nakikilala.
Batay sa imbestigasyon, dakong alas-2: 30 ng hapon ay masayang papauwi ang mga nasawi na sakay ng L-300 van (WBS-131)mula sa kanilang isinagawang family reunion sa Sitio Uhaw, Brgy. Fatima ng nasabing lungsod.
Hindi napansin ng driver ng L-300 van ang mabilis na pagsalubong ng Yellow Bus Line (LVR-296) na punong-puno ng pasahero na umano ay nag-overtake sa isang Yamaha motorcycle na minamaneho ni Zuñiga.
Dahil sa umano ay hindi na makontrol ng driver ng bus na si Mosquera ang manibela, ito ay sumalpok sa nasabing van.
Sa lakas ng pagsalpok ay nahati ang van na kung saan ang mga pasahero dito ay nagtalsikan at ang iba naman ay naipit.
Kahit sugatan ay kusang loob na sumuko sa pulisya ang driver ng bus na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at physical injuries. (Ulat nina Rose Tamayo at Boyet Jubelag)