Brgy.chairman tinawag bago pinatay

PILAR, Bataan – Hindi na nakapag noche buena ang isang barangay chairman nang barilin ito ng dalawang di-kilalang lalaki noong bisperas ng Pasko sa Barangay Landing ng bayang ito.

Ang biktima ay kinilala ni P/Inspector Rodolfo Batecio, hepe ng Pilar PNP na si Nasario Santos Jr. , barangay captain ng Brgy. Landing.

Ayon sa pulisya, dakong alas-9:30 ng gabi, tinawag ang biktima sa kanilang tahanan dahil sa may away sa kanilang barangay na agad namang dinaluhan nito.

Makaraang maayos ang sigalot at pauwi na si Santos ay may dalawang lalake ang tumawag dito at agad itong binaril ng malapitan at saka mabilis na tumakas.

Nagtamo ng dalawang tama ng di pa malamang kalibre ng baril ang biktima, isa sa kaliwang pisngi at kanang dibdib na siya nitong ikinamatay noon din. (Ulat ni Jonie Capalaran)

Show comments