Si Dr. Nora L. Magnaye ay nagharap ng nasabing kaso laban kina Dr. Virginia Bars, Vice-President; Dr. Amador M. Lualhati, University Secretary; Dr. Rolando L. Lontok Sr., Vice-President for Academic Affairs; Dr. Gloria G. Mendoza, Dean, College of Liberal Arts; Dr. Porfirio C. Ligaya, Vice-President for Extension Campus Operations; Victoria Zaraspe, Vice-President for Finance and Administration; Engr. Rolando M. Lontok Jr., Associate Dean at si Engr. Jesse A. Montalbo, Dean ng Computer Science and Information.
Sa reklamo ni Magnaye, sinabi nito na illegal na nangolekta ng graduation fee ang mga nasabing opisyal sa mga estudyante.
Sinasabing naningil umano ng halagang P1,000 ang mga ito sa halip na P750 lamang ang dapat singilin.
Ayon kay Magnaye, nangongolekta din umano ang mga nasabing opisyal ng tinatawag na internet fee, gayong wala naman pasilidad tulad ng computer ang eskuwelahan.
Bunga nitoy hiniling ni Magnaye kay Ombudsman Aniano Desierto na suspendihin ang mga nasabing opisyal upang di maka-impluwensiya sa isasagawang imbestigasyon laban sa kanila. (Ulat ni Grace Amargo)