^

Probinsiya

3 military detachment nilusob ng MILF at MNLF, 3 todas

-
Sinalakay ng tinatayang may 400 miyembro ng pinagsanib na puwersa ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at breakaway group ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang tatlong detachment ng militar na ikinasawi ng isang sundalo at dalawa sa panig ng mga kalaban kahapon ng umaga sa Maguindanao.

Base sa ulat na nakarating kahapon sa tanggapan ni Philippine Army Commanding General, Lt. Gen. Jaime de los Santos, naitala ang magkakasunod na pananalakay ng dalawang grupo ng mga rebeldeng Muslim dakong alas-5 ng umaga.

Ayon sa ulat, inatake ng MILF at MNLF forces ang Quarry, Lagpan at Waton detachment ng 2nd Special Forces Battalion na matatagpuan sa Brgy. Sultan sa Barongis, Maguindanao.

Ang mga umatakeng rebelde ay pinamumunuan umano nina Commander Gari ng MNLF at Commander Duma ng MILF.

Isang sundalo ang kumpirmadong nasawi at isang kasamahan nito ang nasugatan samantalang dalawa ang namatay sa panig ng mga rebelde.

Gayunman, kasalukuyan pang benebiripika ang mga pangalan ng mga nasawing rebelde habang di muna tinukoy ang pangalan ng napatay na sundalo sa dahilang kailangan pang impormahan ang pamilya nito. (Ulat ni Joy Cantos)

AYON

BARONGIS

COMMANDER DUMA

COMMANDER GARI

JOY CANTOS

MAGUINDANAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

PHILIPPINE ARMY COMMANDING GENERAL

SPECIAL FORCES BATTALION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with