Opisina ng DA pinagnakawan

QUEZON, Nueva Ecija – Pinasok ng mga magnanakaw ang opisina ng Department of Agriculture at tinangay ang mamahaling gamit sa Brgy. Bertese noong bisperas ng Pasko.

Ayon sa ulat ng pulisya, nadiskubre ang pagnanakaw dakong alas- 7:30 ng umaga ng isang Claudio Villanueva, kawani ng nasabing tanggapan ay mag-report.

Tinangay ng mga hindi pa kilalang suspek ang isang unit ng compressor tank, isang unit ng safety breaker at ilang mga gamit na kasalukuyang inaalam pa ang mga halaga.

Lumilitaw sa imbestigasyon na maaaring pinasok ng mga magnanakaw ang nasabing opisina sa pagitan ng ala-1:30 ng madaling araw. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments