PNP sa Cavite sisibakin kapag nagpaputok ng baril sa Bagong Taon

CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Sisibakin sa tungkulin ang sino mang miyembro ng Philippine National Police sa lalawigang ito kapag napatunayang nagpaputok ng kanilang baril sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Ito ang naging kasunduan sa ginanap na pagpupulong ng mga opisyal ng PNP sa tatlong lungsod at 20 bayan ng lalawigang ito.

Ayon kay Sr/Supt. Rizaldo Tungala,OIC- Provincial Director na agad niyang irerekomenda na sibakin sa pagka-pulis ang mga miyembro ng PNP na kanyang nasasakupan kapag ginamit ang kanilang baril sa pagsalubong ng taong 2002.

May itinalagang mga unipormadong pulis si Tungala na siya umanong magmo-monitor sa lahat ng lugar at magiging sumbungan ng taumbayan sa sinumang miyembro ng kapulisan na gagamit ng baril sa pagsalubong ng Bagong Taon. (Ulat ni Mading Sarmiento)

Show comments