Miyembro ng Pentagon group patay sa engkuwentro
December 26, 2001 | 12:00am
Napatay sa pakikipagsagupa sa tropa ng pamahalaan ang isang pinaghihinalaang miyembro ng Pentagon kidnap-for-ransom (KFR) group habang isa pa ang nadakip matapos na magpang-abot ang magkabilang panig sa mismong bisperas ng Kapaskuhan sa Columbio, Sultan Kudarat.
Gayunman, kasalukuyan pang beneberipika ang pangalan ng nasawing miyembro ng Pentagon na nagtamo ng mga tama ng bala sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Nakilala naman ang kasamahan nitong si Kabat Diangla na dinala sa isang military detachment sa bayan ng Columbio para sumailalim sa masusing tactical interrogation.
Ang Pentagon Group ay sangkot sa serye ng kidnapping sa Central Mindanao kabilang na ang pagdukot sa anim na Chinese Engineers ng Malmar Irrigation Project may ilang buwan na ang nakalilipas.
Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, naganap ang engkuwentro bandang alas-5:30 ng umaga noong nakalipas na Lunes habang nagsasagawa ng combat patrol ang tropa ng Armys 47th Infantry Battalion (IB) sa hangganan ng Brgys. Upper Lomoyon at Mayo; pawang mga bayan ng Columbio.
Isang grupo umano ng Pentagon Group ang nakasagupa ng tropa ng mga sundalo kung saan ay nagkaroon ng mainitang pagpapalitan ng putok sa pagitan ng magkabilang panig.
Tumagal ng may 50 minuto ang sagupaan bago tuluyang nagsitakas ang mga suspek matapos masawi ang isa sa kanilang mga kasamahan.
Kasalukuyan namang papatakas si Diangla nang matiyempuhan at makorner ng naalertong puwersa ng militar. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest