Pamangkin tinigok sa pagtatangol sa tiyahin
December 25, 2001 | 12:00am
Naging ugat ng kamatayan ng isang babae ang ginawang pagtatanggol sa kaniyang tiyahin matapos makipagtalo at mabaril ng lasing na pulis sa lalawigan ng Tarlac, ayon sa ulat kahapon.
Ang nasawi ay nakilalang si Maureen Millado, ng Brgy. Toledo sa bayan ng Ramos. Samantala, ang suspek na si PO3 Benigno Nool, miyembro ng Ramos Municipal Police Station (MPS) ay mabilis na tumakas sa crime scene.
Sa ulat mula sa Camp Crame, kasalukuyang ipaparada ni PO3 Nool ang kaniyang tricycle sa harapan ng kanilang bahay sa Brgy. Toledo, Ramos, Tarlac nang aksidenteng maatrasan ang biyenan na si Susan Castro, 69.
Agad namang isinugod sa Ramos Hospital sa bayan ng Paniqui, Tarlac ang matanda.
Nagtungo rin si PO3 Nool upang personal na isuperbisa ang kaniyang biyenan at ilang minuto pa ay dumating naman ang pamangking babae na si Millado.
Bunga nito, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa matapos sisihin ng biktima ang senglot na pulis sa sinapit na sakuna ng kanyang tiyahin.
Dahil dito, nairita ang suspek sa kasesermon ni Millado ay binunot ang kaniyang baril at pinagbabaril ang biktima. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended