^

Probinsiya

Ama nagbigti dahil walang pamasahe patungong Visaya

-
GENERAL TRIAS, Cavite – Dahil sa walang pamasahe pauwi ng kanilang lalawigan upang sunduin ang anak na may sakit ay nagpasya na lamang na magbigti ang isang 33-anyos na lalaki sa sariling bahay sa Brgy. San Francisco ng bayang ito kahapon ng umaga.

Ang biktima na natagpuang nakabitin sa kisame ay nakilalang si Roberto Medel, may asawa obrero at residente ng Block 10 Lot 18 ng bayang ito.

Sa inisyal na pagsisiyasat ni SPO1 Roberto Lanzaga, may hawak ng kaso, nag-suicide ang biktima dakong alas-6 ng umaga sa loob ng sariling bahay.

Huling nakitang buhay ang biktima na nakikipag-usap sa kanyang mga anak na nanghihiram ng pera para pamasahe patungong Visaya upang sunduin ang anak na may sakit at makapiling sa darating na Kapaskuhan.

Dahil sa nawalan ng trabaho at kahirapan ng buhay ay walang nagpahiram ng pera na nagresulta upang maging desperado kaya nagpasya na lamang itong mag-suicide. (Ulat ni Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DAHIL

HULING

KAPASKUHAN

ROBERTO LANZAGA

ROBERTO MEDEL

SAN FRANCISCO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with