^

Probinsiya

Dela Salle instructor kulong sa kasong rape

-
MATAAS NA KAHOY, Batangas – Isang college instructor mula sa Dela Salle University ng Lipa, Batangas ang inakusahan at ngayon ay nakakulong makaraang ireklamo nang panggagahasa ng isang 13-anyos na batang babae na pinsan ng una noong Agosto at Setyembre 2001 sa Brgy. 2-A ng nabanggit na lugar.

Kinilala ni P/Insp. Caesar Aquino, hepe ng pulisya ng bayang ito, ang suspek na si Nomer Macalalad, 33, isang Social Science instructor ng naturang eskuwelahan, tubong Oriental Mindoro at residente ng naturang barangay.

Ang suspek ay dinakip ng pulisya dahil sa reklamong inihain ng bikti- mang itinago sa pangalang "Gina" na tumatayong katulong ng pamilya Macalalad.

Sa isinumiteng affidavit ng biktima. Lumalabas na ginahasa umano siya ng suspek sa apat na magkahiwalay na petsa noong Agosto 15 dakong alas-6 ng umaga; Agosto 25 dakong alas7 ng gabi; Sept. 15 at 29 bandang alas-12 ng tanghali at alas-8 ng gabi.

Naisasagawa ang maitim na balak kapag umaalis na ang live-in partner ni Nomer, dagdag pa sa ulat ng pulisya.

Nagawang tumakas ni Gina matapos na gulpihin ng suspek noong Disyembre 20, 2001 dahil sa ipinagbigay alam niya ang pangyayari sa ka-live-in ni Nomer.

Pinabulaanan naman ni Nomer Macalalad ang lahat ng akusasyon ng biktima dahil sa may mga kasama pang iba ito sa bahay maliban sa kanyang live-in.

Inakusahan din Nomer ang biktima na tinuruan lamang ng pulisya at social service officers kung ano ang sasabihin sa affidavit. (Ulat ni Arnell Ozaeta)

AGOSTO

ARNELL OZAETA

BATANGAS

CAESAR AQUINO

DELA SALLE UNIVERSITY

GINA

NOMER

NOMER MACALALAD

ORIENTAL MINDORO

SOCIAL SCIENCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with