P2-M kontrabando nasabat sa SBMA

OLONGAPO CITY – Umaabot sa halagang P2 milyon kontrabando na tinangkang ipuslit ang iniulat na nasabat ng mga ahente ng Custom Narcotics Interdiction Office Enforcement and Security Services (CNIO-ESS) na nakalulan sa isang container van palabas ng Subic Bay Freeport noong Miyerkules ng gabi.

Tinangkang ipuslit ang mga kontrabandong lulan ng truck (CSA-752) na minamaneho ni Orlando Saludes ng Maynila at si Gerry Ong, general manager ng Subic Motor World dakong alas-7:45 ng gabi sa Kalaklan gate nang sitahin ng mga security guard ng SBMA.

Sinabi ni Lt. Isidro Estrera, hepe ng CNIO-ESS na walang maipakitang mga dokumento ang dalawa kaya pansamantalang pinigil.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang may 384 assorted imported tires, 10 unit ng big bike motorcycles, 2 scooters, 1 freezer, 1 refrigirator, 1 mixer machine at iba’t ibang motor spare parts. (Ulat ni Erickson Lovino)

Show comments