2 NDF opisyal sumuko
December 22, 2001 | 12:00am
Dalawang opisyal ng National Democratic Front (NDF) ang boluntaryong sumuko sa headquarters ng Philippine Navy (PN) sa Aringay, La Union kamakalawa.
Nakilala ang mga NDF surrenderee na sina Juliet Balangue, alyas Ka Biday at Jennifer Ugay na nagdesisyong magbalik-loob sa batas.
Ang dalawa ay kapwa rin miyembro ng Panagkakaysa Daciti Mannalon Ti Aringay (PAGAY), isang makakaliwang organisasyon sa naturang lalawigan.
Batay sa ulat, bandang alas-9:15 ng umaga nang sumuko sina Ka Biday at Ugay sa magkakasanib na elemento ng Naval Intelligence Security Group (NISG) at Naval Forces 2 sa ilalim ng Phil. Naval Forces North na nakabase sa Brgy. Samara sa bayan ng Aringay.
Napag-alaman na nagdesisyong sumuko ang dalawa matapos na mapagtantong mali ang kanilang ipinaglalaban.
Kasalukuyan nang sumasailalim sa masusing tactical interrogation ang naturang surrenderees.
Inaasahan namang marami pa sa kasamahan ng mga ito ang nakatakda ring magbalik-loob sa batas sa darating na mga araw. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest