^

Probinsiya

Payroll ng DPWH hinoldap

-
Tinatayang aabot sa halagang P.6 milyon ang natangay ng limang armadong kalalakihan matapos harangin ang service galvanized Fierra ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa naganap na payroll robbery kamakalawa sa national highway ng Malvar, Batangas.

Napag-alaman na bandang alas-10:00 ng umaga nang maganap ang pangyayari sa kahabaan ng President Laurel national highway sa Brgy. Santiago, Malvar ng nasabing lalawigan.

Kasalukuyan umanong bumabagtas ang sasakyan ng DPWH ng Tanauan City na minamaneho ni Avelino Mendoza, 51, kasama sina Armando Garcia, 47; security guard ng DPWH at Antonio Tolentino, 56, nang harangin ng mga armadong suspek.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ini-encash umano ng naturang mga empleyado ng DPWH ang tseke na nagkakahalaga ng P667.298.65 sa Landbank ng Lipa City para ipasuweldo sa mga nagtatrabaho sa kanilang tanggapan.

Habang bumibiyahe pabalik sa kanilang opisina ay hinarang ang sasakyan ng isang kulay pulang Nissan Sentra (TSG-196) lulan ng limang miyembro ng isang big time robbery/holdup gang na pawang armado ng M16 rifles at cal. 45 pistol.

Tinutukan umano ng baril ng mga suspek ang mga biktima at puwersahang inagaw ang payroll money na dala ng mga ito. (Ulat ni Joy Cantos)

ANTONIO TOLENTINO

ARMANDO GARCIA

AVELINO MENDOZA

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

JOY CANTOS

LIPA CITY

MALVAR

NISSAN SENTRA

PRESIDENT LAUREL

TANAUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with