Vigilantre group na may pagka-Nardong Putik isasabak sa NPA
December 19, 2001 | 12:00am
DAVAO CITY Isang bagong tatag na grupo ng vigilante mula sa Southern Mindanao na pawang may mga taglay na agimat ang nakahandang makipagsagupaan sa mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) sa paanan ng Mt. Apo.
Tinawag na Alamara group ang bagong tatag na vigilante na pinagmamalaking may supernatural powers dahil sa hindi umano tinatablan ng bala mula sa malalakas na kalibre ng armas ng mga rebelde.
Ang grupo ng Alamara ay may armas lang na itak, pana, machetes at sibat na panlaban sa mga rebeldeng NPA.
Ipinagtanggol naman ni Army Col. Eduardo del Rosario, commanding officer ng 73rd Infantry Battalion na nakabase sa Malagos District ng nabanggit na lungsod, ang Lumad fanatic group ay bagong puwersa na magiging epektibo sa pakikipaglaban sa mga rebelde sa Bukidnon, Davao City, North Cotabato at Davao del Norte.
Namangha rin si Del Rosario sa ipinamalas na katapangan ng grupo ng Alamara na kahit walang malalakas na armas ay makikipagsagupa pa rin sila sa NPA.
Suportado naman ng tropa ng militar ang nabanggit na grupo at kasalukuyang nagsasagawa ng pagsasanay ang ibat ibang grupo partikular na ang Alamara upang palakasin ang depensa sa mga kanayunan laban sa insureksyon. (Ulat ni Edith Regalado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 15 hours ago
By Cristina Timbang | 15 hours ago
By Tony Sandoval | 15 hours ago
Recommended